TININGNAN niya ang suot na wedding dress. Hindi pa rin siya makaget-over sa ganda nito. Tapos na ang kanilang kasal at ngayo’y pupunta na sila sa reception. Finally, they’re married! Hindi sila nagkita kahapon kaya namasyal nalang sila ni Snow sa Parkmall. Tinutukso pa siya nito na sa wakas, isusuko niya na ang perlas ng silanganan. Napailing nalang siya. Kung alam lang nito na matagal niya nang isinuko. Ewan, nahihiya siyang sabihin sa kaibigan. She took a deep breath. Ngayong gabi, mangyayari kaya ulit? Hindi niya alam pero kinakabahan siya na ewan. This time, no more disturbance. Handa na kaya siya? Maalala kaya siya nito? Pero imposible. 'Di naman nito nakita ang kanyang mukha. She tried to erase the thoughts running on her mind.