PAGKATAPOS ng check-up kaagad siyang nagtungo sa 7/11. She’s craving for tower yema. Kapag pupunta siya sa 7/11 ‘nong high school pa siya, ito talaga ang parati niyang binibili pagkatapos ng klase. Malapit lang kasi sa St. Alphonsus Catholic School ang 7/11, eh, pero ngayon, wala na ang 7/11. Dami pa naman niyang masasayang alaala ro'n kasama ang kanyang mga kaibigan lalo na si Snow. ‘Nong nakapasok na siya ay kaagad siyang kumuha ng limang tower yema. Nagpunta na rin siya sa likurang bahagi upang bumili ng maiinom. She got a fresh milk and went to the cashier. ‘Nong nabayaran niya na ang mga pinamili ay agad siyang lumabas upang pumunta na naman sa malapit na pharmacy. Actually, maraming pharmacy sa area na ‘to. Specifically, sa FFG Arcade na malapit lang rin s