AFTER visiting her parent’s grave, they went to SM at dahil tanghalian na no'ng nakarating sila ‘dun, naghanap sila ng makainan. “Jollibee?” tanong ni Knoxx sa kanya. Umakto naman siya na parang nag-iisip at kalauna’y napasimangot. “Parati nalang tayo fast food, Knoxx. Ikaw ha, akala ko ba healthy living mga doctor.” Sinundot niya ito sa tagiliran at natawa naman ito. Napanguso siya. Parang sumundot lang siya ng pader. His arm snaked around her waist. “Restaurant nalang tayo. Gerry’s Grill,” suhestiyon pa nito. Mas lalo siyang napasimangot. Yes, gusto niya sa Gerry’s Grill pero mahal, eh! Kahit pa namang sabihing afford nilang kumain do'n, namamahalan pa rin siya. “Mahal naman, eh,” ungot niya dito. “Bakit, m