WALANG ginawa si Kana nang araw na iyon kung hindi ang mahiga nang mahiga. Ramdam niya rin ang pagod. Lately talaga, konting activities lang hinihingal na siya. Saka umiiwas siya kay John dahil sa panaka-nakang pag-bleed niya sa ilong. Hindi naman ganoon kadami kaya hindi siya naalarma. Kaya nahiga siya para ipahinga ang sarili. Hinihintay niya rin si Maricel dahil kailangan niyang bumalik ng ospital ngayon. Ang dami niyang pwedeng itatanong sa doctor tungkol sa sakit ng anak niya. Gusto niyang marinig ang opinyon nito. Kilala na niya si Kenjie kaya hindi siya nagmamadali ngayon. Ang paghahanap ng lunas sa sakit nito ang priority ng isipan niya. Pero sa tingin niya, nakuha ng anak ang sakit nito sa kanya. Matagal na siguro ang sakit niya. At ang mga nararamdaman niya dati ay konektado