Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso. “Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya. “Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John. “Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan. “Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas. “Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.” Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang