HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala. “Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiya