Here Comes the Groom AiTenshi May 11, 2020 Part 19 "Babe, babe.. okay ka lang ba?" tanong ni Ronnie noong imulat ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang haplos ng kanyang kamay sa aking pisngi. Nakatulog pala ako habang nanonood ng telebisyon. "Nag take out nalang ako ng dinner natin, para di kana mapagod. Anong bang nararamdaman mo? Nag woworry na ako sa iyo," tanong niya at saka ako tinulungan makabagon. Umupo kami sa gilid ng kama at yumakap ako sa kanya. "May mali sa akin." ang bulong ko. "Mali? Katulad ng?" tanong niya. Sasagot sana ako pero may aamoy akong hindi kanais nais kaya napalingon ako sa plastic sa tabi ng kanyang bag. "Ano yun?" tanong ko. "Yung tinake out kong lechon paksiw, tapos mayroon din doong na inihaw na bangus at pusit." ang wika n