Here Comes the Groom AiTenshi Part 24 "Nag explain naman ba siya sa iyo? Ang hirap sa asawa mo masyadong gwapo, kaya pati mga ex niya ay hindi maka move on. Teka naniwala ka naman ba? Baka naman ineechos ka lang niyang mister mo ha," taas kilay na tanong ni Shay, hanggang ngayon ay naaasar pa rin ito dahil kaganapang nakita namin noong isang araw. "Basta ako pinaniwalaan ko siya, problema na niya iyon kung hindi siya mag sasabi ng totoo," sagot ko naman. "Baka naman kasi namimiss na ng asawa mo ang kumain at tumuhog ng ekup, sa tingin ko yung ex niya mabilis bumigay parang ready lagi bumukaka," ang bulong ni Shay habang abala kami sa pag gawa ng report. Tawanan kami pero impit lang ito. "Shhh, wag ka maingay baka marinig niya tayo," ang bulong ko naman habang abala sa pag ttype ng do