22 Umaga na at kailangan nang magpahinga ni Rica, tapos na ang trabaho niya sa gabi. Papunta sana si Rica sa kanyang silid nang makasalubong niya sila Raisse at Wasim na may mga dalang maleta. Pare-pareho silang nagkatitigan, halata sa mga mukha nila ang pagkamangha at pagkagulat. “Saan kayo pupunta?” Nag-aalangan na tanong ni Rica sa dalawa. Nagkatitigan naman ang dalawang magkasintahan, magsasalita sana si Wasim nang pangunahan ito ni Raisse. “Bakit hindi ka pa nakapag-impake?” “Ano?” Nagtataka naman si Rica kong para saan ang pag-iimpake. “Raisse mauna kana sa labas ako na magpapaliwanag kay Rica,” nag-aalangan na tumitig si Wasim kay Rica, animoy nahihiya na hindi niya maintindihan. Binigyan naman ng matatalim na tingin ni Raisse ang kasintahan niyang binata, “umayos ka,” bago ito