11 Sa isang oras na paglilibot ni Jayvee sa bayan ng San Vicente nakahanap din siya ng matutulugan, isang maliit na penthouse, may tatlong palapag ito, kulay puti at ang gilid at nangingitim dahil siguro sa hindi na napapalitan ang pintura, mula sa gitna nito nakasulat sa kulay na asul na mga letra ang salitang Travel Penthouse. Nang mahanap niya ito agad naman siyang nag-inquire kong magkano ang isang araw, umaabot tatlong daan lalo na’t maliit na silid ang pinili niya na may sariling banyo. Malinis naman ang loob, mga masisipag naman ang mga staff doon at magagalang. Nasa harap siya ng desk kong saan bantay ang isang babaeng nakaunipormeng kulay maroon at may nameplate na may nakasulat na Betty. Pinapaliwanag naman sa kanya ang lahat at siya naman ay nakikinig ng maayos, “meron kaming