Patricia ‘Butterfly Effect’ mga salitang last kong nabigkas bago tuluyang mabura sa Earth. Sana lang talaga hindi totoo ang theory na ‘to. Kasalukuyan ako ngayong nasa kawalan, as in literal na kawalan. Hindi ko ma-feel ang katawan ko. Wala akong naririinig ni ihip ng hangin. Hindi ko rin magawang magsalita dahil di ko alam kung paano. Wala akong makita except sa walang hanggang kadiliman. Kahit ga-tuldok na liwanag wala! Para akong bulag. Nasaan ba ako? Bakit consious pa rin ako? Ilang oras pa ang lumipas pero I’m still here and nothing change. Ang existence ko, sure ‘kong wala na pero itong consciousness ko, ganoon pa rin. Kanina nakararamdam ako ng takot at lungkot at feeling ko maiiyak na ‘ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin. Pero ngayon, feeling ko e nawawala na rin ang emo

