Vicente Hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking nadarama nang muling makabalik sa aking panahon, ang 1942. At dahil iyan sa aking mga naging kaibigan na sina Benson at Patricia. Hindi man sinasadyang makabalik dito, lubos pa rin akong nagpapasalamat sa kanila. Dahil sa kabila ng aking panghihina ng loob ay hindi sila nawalan ng pag-asa para sa akin. Ika nga ni Patricia “Think positive.” Sa tulong din ni Benson, muli kong nakita ang aking mahal. Akala ko hindi na kami muli pang magkakapag-usap. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ako hindi agad nakasipot sa aming usapan ngunit hindi ko inilahad ang aking karanasan sa hinaharap. Masyado ng komplikado ang lahat at ayaw ko nang pag-isipin pa si Solidad. Sa kabutihang palad, naintindihan ako ng aking mahal. Hindi namin napansin

