Napakapit si Maia sa leeg ni Eli nang palalimin ng binata ang halik na nasimulan niya. Hindi na siya nakahindi nang igiya siya nito paupo sa kandungan nito. Malikot ang mga kamay ng binata na humahaplos sa likod na hanggang kanyang pang upo. Maikling shorts ang suot ni Maia kaya dama niya ang mainit na palad ng binata. "Mas mahal kita, Elijah Davis! Ikaw lang ang lalaking pinangarap ko noon pa man. Ikaw lang talaga ang pinapasok ko sa buhay ko…" masuyong sabi niya dito nang bumitiw siya sa kanilang halikan. Matamis na ngumiti ito sa kanya at kinagat pa ang kanyang ibabang labi. "I know that, baby. I am your first love and first heartache. Kaya malakas ang loob ko na akitin ka, baby. Dahil alam kong ako rin ang bubuo sa nasaktan mong puso noon. I love you, baby… " Para na naman si