"Thank you for carrying my child, baby! I am very much happy." masuyong sabi nang matapos siya nitong halikan. Ngumiti lang siya dito. Ibig sabihin gusto din ni Eli ang ipinagbubuntis niya. Pero paano si Elise? Nagpakawala siya ng buntong hininga nang maisara nito ang pinto ng sasakyan. Nakasunod lang siya ng tingin sa binata habang naglalakas ito patungong driver seat. Ngumiti ito sa kanya ng matamis nang makapasok na ito. Hindi niya alam kung saan sila ngayon tutungo. Sa labas lang siya nakatingin. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng kanilang pag-uusap mamaya. "Let's have our lunch first before we go home, baby," baling nito sa kanya habang nagmamaneho. Napatingin siya sa binata. Home. Ang sarap pakinggan. Mayamaya ay huminto sila sa isang restaurant. Halos Filipi