DAWN: "BAKIT? bakit ang sabi mo may pag-asa pa? Sabi mo may pag-asang mabuhay s'ya." Namumugto ang mga mata ko sa harapan ni Dr. Lin. "I did my part Mrs. Van Shen. Pero base sa observation ko ay nagmumukha lamang s'yang natutulog dahil na rin sa side effect ng artificial blood." Nakahawak si Auntie Celda sa 'king balikat. Naroon din si Riku na nasandal sa pinto at tahimik lang na nakikinig. "Hindi! Hindi totoo 'yan. Naniniwala akong babalik s'ya. Babalik si Liu!" "Hija huminahon ka. Baka makasama sa 'yo." "Auntie babalik si Liu. Babalik s'ya." Pinipilit kong maniwala sila sa 'kin ngunit bigo ako. Napayuko na lamang si Auntie Celda at nagpupunas naman ng mga luha si Dr. Lin mula sa kanyang salamin. "Liu naman ang daya-daya mo." Hindi ko alam kung ilang butil na ba ng luha ang pinaka