Biglang parang slow motion kay Denver ang lahat, dahan-dahan siyang lumingon at ng makita si Charlotte hindi niya mapigilan ang pagpatak ng luha. Tinakbo niya ito at agad na yinakap ng mahigpit. Impit itong umiyak, hinagkan niya ito sa labi. " Babe,okey ka lang ba? Hindi kaba nasaktan? Wag ka ng umiyak babe ko, andito kana matutuloy na ang kasal na pinapangarap natin. " madamdamin niyang alo dito. Hinagkan niya ito sa noo,tanda ng paggalang at sobrang pagmamahal niya dito. " Babe natakot lang ako, a-akala ko h-hindi na kita makikita at hindi na matutuloy ang kasal natin." sabi nito habang hilam sa luha ang mga mata. " Kalimutan muna iyon babe,andito ka na muli wala ng sinuman ang makakahadlang sa pag-iisang dibdib natin. Mahal na mahal kita babe, alam kong tinulungan nanaman tayo

