Nanlalaki ang matang napatingin sa isa't isa sina Charlotte at Denver. Akmang aahon na sana si Charlotte ng bigla siyang kabigin ni Denver at halikan ng madiin sa mga labi,nagpupumiglas si Charlotte ngunit habang tumatagal na nalalasahan niya ang nakakalasing na halik ni Denver tila nadadala na siya nito. Nananaig ang pagkasabik ng dalawa sa isa't-isa. Naging mapusok ang halik ni Denver at ganon din naman si Charlotte. Sabik na sabik si Denver na matikman muli ang matamis na labi ng kanyang pinakamamahal na si Charlotte. Maging si Charlotte naman ay ganon din,sabik siyang matikman ang halik ni Denver tila magic na biglang naglaho ang lahat ng agam-agam niya dito. Nagpatuloy sila sa walang sawang paghahalikan. Hanggang sa naramdaman niya na naglulumikot na ang kamay ni Denver. Bawat d

