Nagising sa maiinit na dampi ng kung anong bagay si Charlotte sa kanyang mukha. Nang magmulat siya nakita niyang si Denver pala iyon, hinahalikan siya sa mukha ng marahan habang naka Napangiti siya. Hinalikan naman nito ang kanyang labi na tinugon naman niya. Nagulat ito,akala siguro tulog pa rin siya. "Whoa! Sorry babe,nagising ba kita?" natatawa nitong sabi. " Ay hindi!Hindi ako gising,ayan oh mulat na mulat na kaya ako!" natatawa din niyang sagot dito. Napahagalpak ito ng tawa, natuwa naman sya sa naging reaksyon nito. Napakasaya sa pakiramdam kapag napapatawa mo ang taong mahal mo. " Babe,ang korni mong magjoke hehehe!" tumatawa pa ring sabi nito. Kunwa'y kinurot niya ito sa tagiliran. Hinuli naman nito ang kamay niya at saka dinala sa labi nito at hinalikan. Saka tumitig