When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGLAPAT nang mariin ang mga labi ni Ezekiel nang makita niya ang kaniyang lolo na may kausap sa cellphone nito sa hindi kalayuan. Kitang-kita niya ang buhay na buhay na saya sa mukha nito. Sino naman kaya ang kausap nito at ganoon na lamang kung makangiti? Iwinaksi niya ang imahe ng tao na posibleng kausap nito. Itinuloy niya ang paglapit dito sa may gilid ng swimming pool na siyang kinaroroonan nito. “Ah. Sige. Balitaan mo na lang din ako kung ano pa ang mga kailangan mo riyan. Okay. Bye,” iyon lang at ibinaba na ni Lolo Alonzo ang hawak nitong cellphone sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan nito. Naupo naman si Ezekiel sa katapat nitong upuan. Lalong lumawak ang ngiti sa labi ng kaniyang lolo nang makita siya nito. “Kumusta ang lakad mo, apo?” tanong pa nito sa kaniya. “Okay lang po

