SA PAGBABALIK muli ng mga alaalang nawala kay Janicah, hindi naging madali ang unang araw para sa kaniya. Hingal na hingal na naman nang siya ay muling magising. Pawisan at kay bilis ng kabog sa kaniyang dibdib. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makitang nasa tabi lang niya si Ezekiel mahimbing itong natutulog. Masamang panaginip lang ang nakita niya. Napalunok siya. Gusto niyang bumalik mula sa pagkakatulog ngunit hindi na siya dalawin pang muli ng antok. Sumulyap si Janicah sa labas ng bintana sa silid nila ni Ezekiel, madilim pa, ngunit sa hindi kalayuan ay nakita niya ang pagsilip ng munting liwanag. Nagbubukang liwayway na. Pinili niyang pumunta muna sa banyo. Pagkalabas doon ay nagsuot siya ng jacket at lumabas sa may veranda sa silid nila ni Ezekiel. Animo sumisilip ang

