Chapter 100

2049 Words

“KIERAN, no. Don’t touch it,” agad na binuhat ni Ezekiel ang bunsong anak na si Kieran na isang taon at kalahati na ang edad. Nahulog na kasi sa sahig ang hawak nitong isang slice ng mansanas at akmang kukunin pa para kainin. “Madumi na ‘yon, baby,” aniya na hinagkan pa ito sa pisngi na ikinangiti nito. “Papa,” bigkas nito. Iyon pa lang ang alam nitong bigkasin bukod sa mama, ate at kuya. “Ako na ang bahala kay Kieran,” ani Mama Belle na kinuha kay Ezekiel ang apo nito. “Puntahan mo na si Janicah.” Tinanguan niya ang kaniyang ina. “Okay, ‘Ma.” Hinagkan din niya sa pisngi ang kaniyang ina bago hinayon ang isang pribadong silid sa unang palapag ng mansiyon. Nag-sanitize pa siya bago tuluyang binuksan ang nakapinid na pinto. Sumalubong sa kaniya ang malamig na hanging ibinubuga ng aircon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD