Chapter 64

2124 Words

NANG magising si Janicah ay puting kisame na naman ang bumungad sa kaniyang paningin. Ngunit sa pagbaling niya ng tingin sa bandang kanan niya ay may kakaiba naman sa kaniyang nabungaran ngayon. Kung noong mga nakaraan ay ibang tao ang unang bumubungad sa kaniya sa tuwing siya ay magigising, ngayon, heto sa tabi niya si Ezekiel. Pumikit pa siya at muling nagmulat, pero hindi ito nawala sa kaniyang paningin. Naroon talaga ito. Akmang igagalaw niya ang kanang kamay niya nang mapansin na hawak iyon ni Ezekiel nang mahigpit. Tulog ito habang nakayukyok ang ulo sa may isa nitong braso, sa gilid ng kaniyang hospital bed. Hindi ba ito umalis sa tabi niya? Base kasi sa higpit ng hawak nito sa kaniyang kamay ay tila ba ayaw siya nitong mawawala rito. May luhang agad na sumungaw sa kaniyang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD