HINDI alam ni Janicah kung ano ang magiging reaksiyon niya sa nalaman. Kung matutuwa ba siya o maiiyak? Pero kusa ng nagpakita ng emosyon ang kaniyang mga mata na ngayon ay nag-uulap na ng dahil sa mga namumuong luha. Nitong mga nakaraan, alam niya, may mali sa kaniyang katawan. In other words, may kakaibang nangyayari. Tipong kagigising pa lang niya pero antok na naman siya. Patago pa kung pumapak siya ng Nutella. Dinadala pa talaga niya iyon sa banyo sa silid nila ni Ezekiel at doon ay nililimitahan ang sarili hanggang sa tatlong kutsara ng Nutella para papakin. Minsan ngang maubos ang stock ng Nutella ay iniyakan pa niya kay Ezekiel. “Kaya pala,” anas niya. Tuluyan ng pumatak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata na nakatitig sa Pregnancy Test Kit na kaniyang hawak. Positive ang re
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


