MEDYO naninibago si Janicah kay Ezekiel. Dahil nang buong linggo na iyon na pumapasok siya sa flower shop ay iisang beses yata na inihatid at sinundo siya ni Ezekiel sa farm. Katulad na lamang nang hapong iyon. Akala niya, si Ezekiel ang susundo sa kaniya pero si Mang Roberto naman ang dumating. Ni wala man lang pasabi sa kaniya ang kaniyang asawa. Pag-uwi pa niya sa hacienda ay wala pa sa bahay si Ezekiel. Pati ang mga anak nila ay wala rin doon. “Nasa Casa de Playa po sila, Señorita,” anang kawaksi na napagtanungan niya kung nasaan ang mag-aama niya. “Gusto niyo po bang magpahatid sa Casa de Playa, Señorita?” tanong pa sa kaniya ni Mang Roberto. Umiling siya. “Hindi na po,” aniya na dumiretso na sa silid nila ni Ezekiel. Tiim ang labi na tinawagan niya ang cell phone number ng kaniya

