Kabanata 50 May ngisi na nakaukit sa labi ni Liham habang naglalakad kami sa pasilyo ng mansion, yumuyuko naman ang mga tauhan at kasambahay na nadadaanan namin bilang respeto at galang sa aming dalawa. Doon ko namalayan na lumabas na pala kami sa mansion, kumunot naman ang noo ko habang iniisip ang mga posibleng lugar na pwede naming puntahan. Pumasok kami sa maraming puno na parte ng hekta-hektaryang lupain niya, hinawakan ni Liham ang kamay ko habang sinusundan namin ang animo'y animal trail, "saan tayo pupunta?" Hindi ko na maiwasang tanungin. Nagkibit-balikat si Liham, "it's a surprise." Sa gitna ng paglakad namin ay nakangiti ako dahil magkahawak ang kamay namin, hindi ko alam alam pero ang komportable lang sa pakiramdam, the warmth of his hand, the way he grip me, the way his m