Kabanata 19 Dahil tinatamad at nanghihina si Liham para humiga sa kama sa kwarto sa taas ay gumawa na lang ako ng make-shift bed sa floor ng salas, anyways may carpet naman. Doon na lang kami natulog ni Liham, he told me to keep a safe distance from him. My mga oras na gigising ako just to check him out, tila umaayos naman na ang kalagayan niya, baka bukas ay sinat na lang. Sa sunod na ako ay gumising ay nakatapat na ang ilaw ng araw sa aking mukha, it was already morning. Tumingin ako sa gilid ko ngunit wala roon si Liham, nang may narinig akong tunog ng nagpiprito ay alam kong nasa kusina na siya. Naglakad ako papunta roon at nakita siyang abala sa pagprito. The muscles on his back flexed as he cook since he has no shirt, base sa aking naamoy ay ham ang kanyang niluluto. "Gising ka