Halos magdamag si Eva na walang tulog, maging mga kasambahay nila ay hindi na rin natulog sa takot na baka may gawin siyang hindi maganda. Kanina pa nga lumulutang sa kawalan ang kanyang isip, gustong-gusto na niyang makita ang kanyang asawa. Nais na niyang makausap ito at ng malaman na niya ang totoo. Kung talaga bang mahal nito si Belinda o nadarang lamang ito. Pero kahit na paulit-ulit niyang tanungin ang kanyang sarili. Alam niya sa kanyang sarili ang sagot dahil simula pa lang naman sa pagkakarinig pa lamang niya kanina sakanyabg cellphone ng kababoyan ng dalawa. Tiyak na niya ang lahat, hindi na dapat pang tanungin iyon. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iisip na kailangan niyang makausap si Audrix hindi ganito na para na siyang mapapraning sa kakaisip. Maghihintay si