Ngayon lamang napagtanto ni Audrix na may talento pala ang kanyang asawa. Hindi lang basta talento iyon, dahil talagang napanganga siya. Unang-una ang pagtugtog nito ng gitara animo rockstar kapag pinagmamasdan niya. Kitang-kita kung paano ito gumalaw at kung paano ito sumayaw na tila ba sinasabayan nito ang sariling musikang tinutugtog at kinakanta. Akala niya noon ay wala itong talent, ang nakikita kasi niya na palagi nitong ginagawa ay ang pagtatanim. Kaya nga sa iba't ibang lugar na napupuntahan niya dati, bumibili siya ng iba't-ibang halaman. Ginagawa niya pampalubag loob iyon dito para masiyahan ito kapag umuwi siya. Para maitago lamang niya ang kanyang mga kasalanang nagagawa dito sa tuwing siya ay may pupuntahang ibang lugar lalo na iyong mga out of town. Ibang babae ang k