“Anong ginagawa mo ditong hayop ka!” Galit na galit na sigaw ng tatay ni Eva. Tila pasugod na ito sa kanya at akma na siyang susuntukin pero pinigilan ito ng Ate ni Eva. Pero hindi siya natinag, deritso siya sa tabi ni Eva at agad na hinawakan ang kahon na naglalaman ng fetus. Hindi niya alam ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Basta ang nais lamang niya ay mapalapit sa kanyang mag-ina kahit na matatalim ang tingin ng lahat sa kanya. Kahit na napansin din niya na nakakuyom ang mga kamay ng mga kuya ni Eva, at katulad ng Tatay ng mga ito tila nais na siyang saktan. Alam niya na maaari siyang patayin ng mga ito dahil sa matinding galit pero naglakas loob na siya. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harapan ng mga ito ay gagawin niya basta makalapit lang siya sa anak nila. Nais