"Kung ako sayo, kung pinapaiyak ka na lamang lagi ng hayop na iyon at puro sama na lamang ng loob ang binibigay sayo. Bakit hindi mo na lang hiwalayan ang hayop na yan! Hindi pa naman kayo nagkakaanak, wag mong sabihin na mayapat mayaman siya kaya nagsasakripisyo ka at nagtitiis ka sa poder ng hayop na iyan!" Bakas ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya habang binibigkas ang mga katagang iyon. Hindi naman dahil sa oera kaya siya nananatili sa poder ng kanyang asawa. Mahal niya ang kanyang asawa at kahut na wala itong kayaman, handa siyang manatili dito kahit na anong mangyari. "Kuya hindi naman sa gano'n." Tipid na wika niya. "Oh eh, bakit hindi mo nga mahiwalayan?! Aanhin mo ang yaman ng hayop na iyan! Walang katumbas na salapi ang mga luhang lumalabas diyan sa mga mata mo bunso.