“Aray! Hayop ka, bitiwan mo ako Audrix, ano ba nasasaktan ako!” pagmamakaawa ni Belinda na noon ay mahigpit niyang sakal ang leeg. Sa sobrang galit kasi niya dito, talagang tila nawala na siya sa kanyang sarili. Kailangan niya ay ang pera pero kung iyon lang ang magiging dahilan para magtagal pa siyang manirahan sa bahay na iyon, pwes hindi siya makakapayag. Bahala na kung matuklasan ng kanyang mga magulang ang totoong dahilan kung bakit niya nagawang sumama sa babaeng ito at iwan ang kanyang asawa. “Simula ng mapalapit ako sayo, nagkanda letse-letse na ang buhay ko, kaya kung pwede lang mawala ka na lamang ng tuluyan sa buhay ko. Kaysa ikaw pa ang magpapalaglag sa anak ko. Ako na lang, tutuluyan na kita kasama ng anak natin para matahimik na ang buhay ko!” Tila wala pa rin sa sari