“Hoy bunso ikaw na, tagay mo na oh bakit ba natutulala ka na naman diyan ha.” Natatawang sita sa kanya ng kanyang kuya Val. Kanina pa kasi siya nakatitig sa kanyang cellphone at tinitingnan ang mga message doon ni Audrix. Hindi siya makapaniwala na lahat ng mga sinasabi nito doon, lahat ng mga papuri na dati-rati ay hinihintay niyang sabihin nito sa kanya ng harap-harapan. Ngayon sinasabi na nito, sa chat man pero kakaiba ang dating sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero parang ang sarap sa dibdib na mabasa ang mga message na ito sa kanya ng dating asawa. Dati never ito nagsalita ng mga papuri kahit iyong mga simpleng salita lang, pero ngayon heto na ang lahat ng pinapangarap niya. Sinasabi na nito lahat at kahit sa mga simpleng ginagawa niya dito dati ngayon ito nagpapasalamat. L