Chapter 49: Departure HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala si Morana sa sinabi ni Lucien kanina. Parang hindi makahinga nang maluwag si Morana sa nalaman niya. Kapag naiisip niyang tuluyan na siyang iiwan ulit nang kanyang asawa ay nakakaramdam nang lungkot at takot si Morana. Hindi siya makapapayag na basta-basta na lang ulit siyang iiwan ng kanyang asawa dahil ang laki na rin ng mga hirap na pinagdaananan ni Morana. At kung tunay man na aalis si Lucien at babalik sa mundo ng mga tao ay natatakot si Morana na isiping hindi na babalik pa sa impyerno ulit si Lucien. Alam kasi ni Morana kung gaano kasabik si Lucien kay Agatha dahil sa loob ng limang taon ay hindi man lang naramdaman ni Morana ang pagmamahal ni Lucien. Hindi namalayan ni Morana na bigla na lang siyang napaluha habang i