Chapter 21: The Past NAGMAMADALING lumipad si Lucifer para makarating agad sa diyos ama niya. Bigla na lang kasing pinatawag si Lucifer ng ama niya at wala siyang kaide-ideya kung bakit siya pinapatawag. Kaya naman ng makarating si Lucifer sa kinaroroonan ng diyos ama niya ay agad siyang naglakad palapit dito. Nang makalapit siya ay agad namang bumaling ang ama ni Lucifer. "Ama, pinatawag n'yo raw ako?" agad na tanong ni Lucifer sa ama niya. At dahil nasa langit ang mga anghel na tulad ni Lucifer ay lumiwanag ang paligid niya, hudyat na nagpaparamdam na ang diyos ama nila. "Lucifer, kaya kita pinatawag ngayon dahil nais kong ipaalam sa'yo na ikaw ang napili kong ipahatid sa impyerno para mamuno ng mga demonyo at parusahan ang mga makakasalanang kaluluwa," maawtoridad na sabi ng diyos