CHAPTER 12: ILANG ARAW ANG LUMIPAS, ilang araw ding walang paramdam si Nicolai sa akin. Naiinis ako pero wala akong magawa. I don’t want to ask Mikky for Nicolai’s number. Baka kung ano pa ang isipin niya. And if I do have his number, I wouldn’t dare send a message to him. My ego is higher than that. Ayaw kong isipin niyang habol na habol ako sa kanya nang dahil siya ang nakauna sa akin. “That’s right, Eury! Pose just like that!” bulalas ni Henly. Inangat ko pa ang braso ko at inilagay sa ibabaw ng aking ulo. Henly wanted me to show my underarm. Ang sabi niya sa akin, makinis at maputi raw masyado ang kilikili ko para itago lang, kaya ganito ang pinagagawa niyang pose sa akin. Nag-trending noong nakaraang Linggo iyong isang picture ko na kita ang kilikili ko, marami ang nainggit at nagt