CHAPTER 57: IT WAS A RAINY night. Kanina pa ako naghihintay kay Nicolai para sunduin ako but he’s still nowhere to be found. Tawag ako nang tawag pero hindi siya sumasagot. Ang sabi niya sa akin kaninang umaga, huwag daw akong sumabay sa kahit na sino dahil susunduin niya ako at may pupuntahan kami. Pero halos isang oras na ako rito, hindi pa rin siya nakakarating. I sighed and decided to run to the nearest convenience store para lang bumili ng payong. Nabasa tuloy ako, wala na nga akong payong, wala pa akong kotse. Kahit manlang mag-text siya sa akin kung nasaan na ba siya, but he’s not responding to my message. Nakakainis na! After kong makabili ng payong, lumabas na kaagad ako at naglakad-lakad para maghanap ng masasakyan. A taxi stopped in front of me so I opened the door and quickl