EVANGELINE "I WILL LEAVE this hell, now!" Hindi na siya ang Louisa na nakilala ko. Parang nagbago ang tingin ko sa kanya. Para bang hindi na kami magkakilala ngayon. "What's wrong with you, Louisa?" I asked. Lumapit siya sa akin at saka siya tumayo ng matuwid sa aking harapan. Bigla siyang nagtaas ng isang kilay ay tumitig sa aking mga mata na para akong sinusubok. "What's wrong?" I asked again. "It's you who's wrong, Eva. It's you." Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon dahil sa totoo lang ay hindi ko siya maintindihan. "Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, Louisa." "Well, talagang hindi mo ako maiintindihan dahil una sa lahat, wala kang alam at wala kang kamalay-malay." Sa mga ganitong klase ng pagtatalo ay mahina ako, mabilis akong masindak at mapapaiyak. Kaya n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


