EVANGELINE KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising upang maghanda para sa aking pagpasok sa trabaho. Tulog pa ang asawa ko pero maya maya ay gigising na rin siya para sa kanyang daily exercise. Ihahatid niya rin mamaya ako sa trabaho bago siya bumalik dito. Ewan ko lang din kung mayroon siyang lakad ngayon o wala. Ang kagandahan lang ay mayroon siya upang ihatid at sunduin ako. Isa pa ay kasama ko siya at nakikita ko siya pag-uwi. Iyon naman ang kagandahan kapag nasa bahay siya, dahil hindi ko maikakaila na palagi ko siyang namimiss at nais na makita. Gano'n na yata talaga kapag masyado akong attach sa aking asawa, ganito rin kasi dati noong hindi pa kami mag-asawa. Dahil hindi kami palaging magkasama ay lagi ko rin siyang namimiss. Kaya naman ngayong mag-asawa na kami ay sa oras na na

