GUIA: NAGHANDA ako ng simpleng dinner para samin ni Fabian. Alam kong magagalit lang s'ya kapag nagluto ako ng para sakanya dahil hindi naman ito nagtatagal sa sariling bahay n'ya. Ipinusod ko na ang aking buhok at isinuot ang apron. Kaagad na akong nag tungo sa kusina. Tamang-tama at nakapag grocery na ako at nakabili na ng paborito n'ya. Abala na ako sa pagluluto nang may tumawag naman sa kabilang linya ko. Iniwan ko na muna saglit ang aking ginagawa at nag tungo sa mesa kung nasan nakalapag ito. Nakita ko agad ang pangalan ng Papa. Bakit naman kaya s'ya tatawag sa ngayon? Kinuha ko na ang phone para sagutin ang tawag n'ya. "Hello Papa?" "Hija how are you?" Bungad nito sa 'kin. "I'm okay Pa nothing special." "Busy ka ba ngayon?" "Yes Pa busy ako sa teaching ko kaya kinakailangan