HUMUPA ang ulan at kasabay no'n ang pag alis namin ni Fabian sa Villa ni Mr. De Alegre. Kasama namin ang mga empleyado sa loob ng isang malaking van. Hindi na kami nag imikan ni Fabian hanggang sa makarating ng kompanya. "Good bye sir." Isa isa namang nagpaalam dito ang mga empleyado. Nakasunod lamang ako sa kanya patungo ng parking lot kung saan ay madalang ang mga tao dahil ang iba ay nagsipag uwian na. Walang nag bago. Wala pa rin itong imik kahit na nasa harapan na kami mismo ng sasakyan n'ya. Pinindot lamang nito ang susi at umilaw ang kotse. "Get in." Sabi nito at pumasok na sa loob. Kaagad naman akong sumunod. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko s'yang nakasalong baba at malalim ang iniisip. Ang isang kamay naman nito'y nakahawak na sa manibela at seryoso lang ang tingin sa daan. K