Guia: BAGSAK ang katawan ko nang lisanin ng papa ang condo. Hindi naman umimik si Fabian at nakaupo lamang ito habang nakalagay ang kamay sa kanyang sentido. Dumudugo ang kamay nito dahil sa ilang ulit na pag sangga sa mga suntok ng papa. Huminga ako ng malalim saka siya nilapitan. Durog na durog akong makita siya sa gano'ng kalagayan. Nagulat pa ito nang hawakan ko ang kanyang pulso at tinanggal ang pagkakatakip sa kanyang mukha. Hinawakan naman nito kaagad ang magkabilang mukha ko at ngumiti kahit na iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. May lungkot ang mga ito sa kabila ng kanyang pilit na pag ngiti. "Hindi ka ba nagsisisi?" Tanong nito sa akin habang seryoso ang mga mata. Kaagad naman akong umiling. Mas hindi ko makakaya kung si Fabian ang mawawala. Minsan lang ako nag mahal at nak