Loki Porter's POV; "Bakit mo ginawa yun Loki hindi mo pinigilan si Jiro?" Tanong ni Yuan habang humihithit ako ng sigarilyo. "Dahil yun din ang eksaktong gagawin ko kay Leon pag may gumawa nun sa taong pinoprotektahan ko." Bulong ko bago iyukom ang kamao ko. "Wala na din akong balak ulitin ang ginawa ko dati." Dagdag ko na kinailing ni Yuan. "Sang ayon ako kay Loki." Sabat ni Terrance. "Sa tyurang yun ni Porter kanina kahit tayo papatayin nun dahil sa nangyari kay Suarez." Dagdag ni Jethro. "Kinikilabutan pa din ako tangna." Mura ni Max bago naiinis na tapakan ang sigarilyo niya at tumayo para lumabas. "Now I know kung bakit mo pinakawalan si Taki pumapatay pala ang halimaw na yun." Tatawa tawang sambit ni Terrance. "Kaya kong makipagpatayan kay Jiro para kay Taki kung alam kong ma