Pagtataksil - hindi akalain ni Sofia na mararanasan niya ang bagay na iyan sa dalawang taong mahalaga sa kanya. Sa kan’yang ina na sumamasa sa ibang lalaki at nag-iwan ng malaking utang na babayaran niya at ang nobyo niyang tinulungan niyang makapag-abroad pero umalis na kasama ang ibang babae. Ngayon ay baon na baon siya sa utang at hindi niya alam kung saan niya pupulutin ang ganoong kalaking halaga ng pera, isa lamang siyang hamak na janitor. Papatayin siya ng mga sindikato kapag hindi niya iyon mababayaran sa pinakamadaling panahon at iyon ang dahilan kung bakit nagtatago na siya. She was lost, hopeless and helpless. Sofia thought that it was the end for her. Wala na siyang pag-asa pang makaahon sa putik na kinalulugmukan niya, pero iyon ang akala niya. Alec Vitale came into her life life a knight in shining armor. Iyon na lang ay hindi ito knight kundi isang demonyo na may napaka gwapong mukha. “Accept my offer, Sofia. It’s a win or lose deal. Papatayin ka rin naman ng mga taong naghahabol sayo, why not use my money to pay your debt and let me use you for my own gain.” Kapit sa patalim at desperado, hindi na magawang tumanggi ni Sofia sa offer ni Alec, ang kanyang demonyong boss. She grabbed the offer without thinking of the consequences. Ang buong akala niya ay tapos na ang probema niya, pero iyon pala ang simula ng mas malaki niya pang problema - nahulog siya kay Alec sa kabila ng ubod ng sama ng ugali ng lalaki. She saw something in him that makes her fall for her more each day. Ang hindi niya alam ay may isang malaking sekreto ang lalaki na wawasak sa puso at pagkatao niya. He’s a devil dressed in a suit, cunning, manipulative and heartless. He’s going to destroy her, break her and kill her in any way possible. Lies. Betrayal. Secrets. Makakaligtas pa ba si Sofia kung si Alec pala mismo ang taong wawasak sa kanya?