Kabanata 27.. "AMANDA!!" mabigat na tawag sa pangalan niya ni Juriel. Paulit ulit ngunit ilang beses din niyang inognora. Ang akala niya hindi siya makakatulog sa isiping iyon. Lumuha siya hanggat may iluluha ang dalawang mata niya, nasasaktan siya pero ganoon talaga dahilan nagmahal siya ng babaero. Nagising siya sa marahan na tawag ng kaniyang pangalan. May halo din pag katok ang nagmunula sa may pintuan. "Pleased Amanda, buksan mo naman ang pintuan." sa maliit na sinag ng buwan nakikita niya kung saan nakaturo ang orasan. Mag aalas dos na ng madaling araw. Simula kase ng pumasok siya sa kaniyang kuwarto, kahit ilan beses siyang katukin nito hindi niya ito pinagbuksan. Pinilit niyang maging matigas hanggang sa nadinig niyang yumabag ito palayo sa kuwarto niya. Ngunit heto at hat