Kabanata 13.. Kapwa sila napalingon sa may pintuan ng may kumatok doon. Hapon iyon at nag uusap sila ng mga oras na iyon at may halong pagtatalo na naman. "May bisita ka yata? Ako nang magbubukas?" Iwas niya. Mabilis niyang iniwan ito na nakatayo at kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang hinhagod siya ng tingin nito. Mabuti na lang at may kumatok, hindi na kase niya magawang salubungin ang bawat titig nito. Ang umaga na iyon an gpinaka delikadong naramdaman niya. Iba talaga ang kutob niya sa mga oras na iyon. Dahil malapit lang sa kaniyang kuwarto ang pintuan mabilis niyang narating iyon, agaran napangiwi siya sa nakita ng silipin niya sa may butas ng pinto kung sino ba ang gumawa ng pagkatok. Babae na naman kase ang bisita nito. Sino ba naman kase ang tatanggi sa kagwapuhan