Warning!! Ang kaganapan sa loob ng kabanata na ito ay hindi pinahihintulutang mabasa ng edad deysi otso pababa. Kabanata 33… "Huy!!" gulat niya sa likuran ni Juriel. Gising pa nga ito at dilat na dilat ang dalawang mata. Ito na ang nagprisintang matutulog ito sa labas ng tent noong magsabi siyang inaantok na siya kahit hindi naman totoo. Ngunit oras na ang nakararaan, hindi 'man lang siya dalawin ng antok. Hayun at biling baligtad siya sa kaniyang higaan. Pakiramdam kase niya, parang ang sama sama niyang tingnan. Ang tent nilang dala ay pang 6 katao ang kakasya ngunit siya lang ang naandoon. Samantalang ito naglatag lang ng folding foam sa may masinsin na damuhan at sa gilid nito ang nagsisilbing ilaw nito ang mahinang apoy. Dahan dahan niyang binuksan ang zipper at umalpas sa pala