Kabanata 15.. MAY NGITI sa labi ng pumasok siya ng kaniyang kuwarto. Hindi rin maitangging may halong kilig na nakapaloob doon. Hindi niya malamang kung bakit ba, pero sa t'wing nagkaka usap sila ni Juriel sa ganoong sitwasyon parang itsurang matagal na silang magka kilala ng binata. Kahit s'ya lang ang nakakaalam na isa siyang dalaga. Idagdag pang halos magkadikit na ang balat nila kanina ng turuan niya itong magkudkod na tila ba ngayun lang naka subok. Daig pa niyang nakukuryente sa mainit nitong palad ng hawakan nito ang likuran ng palad niya. May halong panginginig pero pilit niyang pinigilan iyon ng hindi ito makahalata sa bawat kilos na ginagawa niya. Pero hindi siya nakaligtas sa bawat mga tanong nito, mabuti na lang bawat tanong nito ay naiiwasan niya kahit malayo sa sagot niy