Kabanata 3
MABIBIGAT na hakbang ang pinakakawalan niya habang ikom ang dalawang palad at saka naupo sa upuan. Hindi niya gusto ito ng ngunit malaking katotohanan na iyon ang magiging paraan para mabilis na magkapera at hindi lang para maka ahon narin sa hirap ng buhay. Wala man siyang alam sa ganoon bagay pero pag aaralan niya.
Malaking katotohanan oras na may pera na s'ya, dalawang kamay na siyang tatanggapin ng kaniyang ina at makatatapos na ng pag aaral ang kaniyang kapatid. Kaya na niyang pag malakihan ang kaniyang stepfather sa mga bintang nito about sa perang kinuha daw niya na hindi naman niya ginawa! Bagkus ito ang may sala.
Malaking labag sa kalooban niya ang malaking desisyon. Ibebenta niya ang katawan at makikipag siping siya sa lalaking hindi naman niya mahal, kundi sa isang hapon! Kapalit sa malaking halaga ngunit dangal at katawan niya ang kapalit!
Nagkukumahog ang dibdib niya. Nagmamaktol sa naging desisyon pero 'yun ang way para magtagumpay siya tulad ni Linda.
Umiiling siya ng paulit ulit habang nakaupo sa pang isahan upuan. Noon pa man hindi pumasok sa isipan niya ang maging ganoon. Hindi niya inaasahan na sa ganoon pala din babagsak at doon manggagaling ang magandang pangarap.
"Talo na ang bida! At may ending na ang love story niya." dikdik sa isipan niya.
Mahilig siyang magbasa ng pocket book. Yun lang naman ang nag papagaan ng kalooban niya sa tuwing kagagalitan siya ng kaniyang ina, magbabasa lamang siya at mamaya okay na siya..
Sa t'wing magbebenta siya ng paninda, magtatabi na siya ng maliit na halaga upang pang bayad niya sa pang rent ng pocketbook sa grocery na lagi niyang binibilhan. At yun Ay hindi alam ng kaniyang ina at tiyak pag nalaman nito sigurado pagagalitan siya.
Hilig niyang magbasa ng comedy romance. Pero pinangarap niyang maging isang manunulat katulad ng binabasa niya. Idol kaya niya si Gilda Olvidado na Author sa isang libro. Pag nagsusulat siya, pakiramdam kase niya siya ang bida at ang lalaki naman yung kaniyang mapapangasawa. Pero paano kung sa umpisa pa lamang ay may ending na?
Bumili din siya ng isang notebook para subukan magsulat para sa kaniyang lovestory. Pero hindi na pala mangyayareng maumpisahan maisulat ang kaniyang love story kasama ang kaniyang mapapangasawa.
Pero okay lang..
Okay lang! Basta matangap lang siya ng kaniyang ina! Isang malaking pangarap na iyon na natupad para sa kaniya!
At bumuga ng mahabang pag hinga. Kaya kailangan niyang maging manhid sa bawat hakbang na gagawin.
Kailangan niya ng pera, ngayon 'yan ang mahalaga sa kaniya. Itong malaking desisyon niya ang totoong magpapa ahon sa buhay niya, nila.
Siguro oras na marami na siyang pera, dalawang palad na siyang tatanggpin ng mga nito.Heto na naman siya naaalala na naman niya ang mga pakikitungo ng mga ito sa kaniya.
Imbes na kamustahin siya nito pagkagaling niya galing trabaho. Ito ang ibubungad nito na nakaugalian na nitong sabihin sa kaniya, — "pahingi Amanda ng pera!" saad ng kaniyang ina, pabulyaw pa.
Pero ang totoo pera lang ang hinihingi nito, pero hindi nito maitanong kung.. kamusta naba siya? Kumain naba siya? Pagod ba siya sa pagtitinda? At marinig ang salitang, mahal kita... Yan 'yung mga bagay na gusto niyang marinig sa ina ngunit ipinagkait nito sa kaniya.
Ito nga ang susi sa mga problema niya. Ang kuhanin ang malaking alok ng isang hapon. Ang pumayag siyang pakasalan ito! Kapalit ang kaniyang dangal sa malaking pera.
Pera ang susi sa paghihirap niya. Pera!
"Naka handa kana ba Amanda?" tanong ni Linda sa kaniya. Walang pag lingon ang ginawa niya. Tila ba wala siya sa sarili. "Hoy, Amanda, okay ka lang?!"
Napalingon siya, nasa hagdan na pala si Linda at kinakausap siya.
"O-oo naman!"
"Ang lalim ng iniisip mo, huwag ka ng mag dalawang isip Amanda. At huwag mo ng pakawalan ang malaking alok na iyon. Malaking isda ang nabinwit natin,ano kaba!?" saka dumaong sa kinaroroon niya at umupo katulad niya.
"Sa mga katulad nating kapos palad swerte na tayo dahil may mga taong mayayaman ang nagkaka gusto sa atin. Alam mo ba na matagal ko ng ipinakita ang picture mo kay Tamiyo? Kahit hindi ka pa niya nakikita, alam na niya ang itsura mo." napa angat siya ng ulo. Napatingin siya sa kababata dahilan sa isinaad nito."Mapalad tayo Amanda kase yung iba gusto magka asawa ng hapon para makaahon sa hirap. Samantalang tayo abot kamay na natin." mahaba at masayang paliwanag nito.
Hindi na siya nag reak sa sinabi nito. Tama nga naman kasi ito, sa lugar nila halos kapos palad katulad nila pangarap na makapag asawa ng mayayamang hapon. Kase halos lahat ng nag aasawa sa probinsya nila puro mayayaman at nabibilang lang dahil nakapag asawa ng mga ibang lahi. Basta ang nasa isip niya ang kaniyang ina at kapatid. Pero hindi parin maalis sa isipan niya ang pangarap at idagdag pa ang lalakeng darating sa buhay niya. Ang totoong magmamahal sa kaniya.
"Tatanungin kitang muli, gusto mo ba talaga?"
Pinagkatitigan niya itong mabuti, walang sagot na namutawi sa bibig niya. Pero tumango ang ulo niya ng ilang ulit. Hudyat na tutuloy siya sa disesyon na napag pasyahan kahit sumisigaw ang isipan at dibdib niya sa malaking desisyon.
"Masaya ako para sa iyo Amanda, para sa pamilya mo makaka ahon na kayo sa kahirapan. Puwede ka rin mag aral pag okay lang kay Tamiyo, Amanda. Ituloy mo yung pangarap mo. Madali naman kausapin 'yon."
Ngumiti siya ng pagak.
Para saan? Bakit pa siya mag aaral?
"Oh, ito nga pala.. Dahil nagka usap kami ni Tamiyo kanina nung natutulog ka, pinabilhan ka niya ng dress. Isuot mo daw sa una ninyong pagkikita." saka iniabot nito ang isang paper bag na nakapatong sa upuan.
Minabuti niyang buksan iyon.
Tumambad sa kniya ang bestida na napapaikutan ng maliliit na beeds. Natitiyak niyang mamahalin iyon sa itsura pa lang. Ngayon pawlang siya makakasuot ng ganoong mamhalin.
Bumuka ang labi at nagtanong siya. "Kailan daw niya balak akong kitain Linda?" matamlay na katanungan.
"Sabi ko nga puwede bang bukas ng gabi na lang at magpapahinga ka muna. Pero hindi pumayag." Agarang napatingin siya sa kababata.
"Ngayon naba?!" may pagka gulat sa boses niya.
Tumango ito, "Oo," saka kumamot sa ulo. "Pero huwag kang mag alala, mabait yun."
Napalunok siya. Kung ngayong gabi siya makikipagkita. Ngayong gabi din kaya may mangyayare sa kanila? Hindi siya mapakali at nagtanong ulit siya.
"Ah, Linda.. If ever na ngayon kami magkita, may mangyayare ba kaagad sa amin?" agarang may namuong kaba sa dibdib niya.
"Nasa sa iyo 'yan Amanda. Syempre bago I settle ang lahat pera muna. Pag uusapan muna ninyo ang lahat bago kadyot."
"Parang ang hirap lang Linda. Makikipag siping ako sa taong hindi ko naman mahal at sa pera lang iikot." lumungkot ang pagmumukha niya hindi siya tumingin sa kaibigan na ganon ang mukha niya.
"I feel you Amanda, dahil dumaan din ako sa ganyang sitwasyon. Pero nakayanan ko ang lahat. Ngayon nakikita ko kung anong buhay meron ang magulang ko, hindi ko pinagsisihan ang lahat. Totally may crush nga ako."saka umaktong tila kinikilig. Napatitig siya dito.
"Crush or boyfriend? Linda, huh!" paalala niya, "Mag ingat ka, pag nalaman ka Tahamiro." May takot na bumakas sa mukha niya.
"Basta atin lang naman. May madalas na nagpupunta ng bar. Totally siya lagi ang tinitingnan ko don pag wala si Tahamiro. Madalas nga siya doon at laging may kasama. Dyosko! Amanda. Nakakalaglag panty ang mga lalaking iyon. Pero Isa lang talaga ang gusto ko. Pero lahat sila gwapo." kinikilig na kuwento nito. Sa kinukwento nito marami kalalakihan ito.
Siniko niya ito sa tagiliran.
Pero nagpatuloy ito ulit sa pag kwento. "Yung mga mata na yon at labi.." huminto ito at lumungkot ang mukha. "Hanggang tingin na lang ako Amanda." sabay titig nito sa kaniyang mga mata.
Nagkatinginan sila. Nababasa niya dito ang lungkot.
"Ito yung kapalit ng lahat. Kasiyahan ko bilang sa kasiyahan ng magulang ko." mabilis na tumulo ang luha nito sa harapan niya at mabilis naman niya itong niyakap. "Pero lahat ng 'yan Amanda tanggap ko. Alang alang sa pamilya ko, sa ikasasaya nilang lahat." dagdag nitong pumipiyok.
Bumitaw siya at nagtanong ulit.. "Alam ba ng lalaking iyon na gusto mo siya? I mean yung lalaking crush mo?"
"Para saan? Para ano pa? Halika na nga, maghapunan na tayo! Mamaya lang aalis na tayo. Masyado ng kung saan saan napupunta ang kwentuhan." paglilihis nito.
Pinagkatitigan niya ang kaibigang nakatalikod sa kaniya.. Yan yung katatagan na sinabi niya sa sarili na balang araw magmamahal siya ngunit nakatali na siya sa lalakeng hindi naman niya mahal.
To be continued..