Kabanata 39.. MALIKOT ang matang binabantayan niya ang mga galaw ni Amanda. Kanina pa niya ito gustong akbayan at halikan sa harapan ng mga ka grupo niya. Masabing kaniya lamang ang dalaga. Nang lumapit sa kanila si Jeric na tila ba iba ang dating nito ng batiin ang dalaga pilit niyang kinalamado ang sarili, para walang maging gulo sa pagitan nila at respeto narin kay Jake at Nica. Ipinaghila niya ito ng upuan sa kaniyang tabi, umupo ito ng magawa niya iyon matapos siya naman ang humila ng para sa kaniya. Awtomatikong inilapit niya sa tenga nito ang mukha niya ngunit mabilis na inilihis nito ang sariling ulo para mag init ang ulo niya sa inasala nito. Ikinubli niya ang nag uumpisang paninikip ng dibdib. Nagmamaktol iyon dahilan sa ikinikolos ng dalaga, wala siyang magagawa dahilan pumay

