Kabanata 56.. MAAGA silang nagising nang umaga, 'yun kase ang sabi ni Tiyang para maaga silang makapunta ng ilog medyo may kalayuan kase ang ilog na iyon kung saan kilalang dayuhin ng mga tao. Nagpasya din sina Tiyang at Tiyong na half-day lang ibubukas ang karenderya dahil pag sumapit ang alas dos ng tanghali aalis na sila mabuti na lang si Tiyang at Juriel ang nagpunta ng palengke na akala niya ipauubaya ni Tiyong iyon sa kaniya kasama ang binata. Baka abutin sila ng siyam siyam dahil wala siyang balak nitong kibuin. Naihanda na nila ang lahat ng dadalhin, pero laking tuwa niya ng pumayag si Carlito sa pakiusap niyang sumama ito sa kanila mag picnic kaya mabilis din siyang nagpaalam sa mag asawa at hindi naman tumanggi si Tiyong sa kagustuhan niya awtomatikong at napatingin siya kay

